Walang sisinuhin sa mga name dropper na iligalista

ito-ang-totoo-colored3

IMPOSTOR talaga si Bertito Hashimoto na nagpapanggap na siya ang hinirang ni Pa-ngulong Noynoy Aquino bi-lang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Admi-nistrator.

Pareho lang sila ng tropa niya na isang Jet Pornebo na nagpapanggap namang head ng aniya’y Presidential Anti-Smuggling Commission, me-ron ba nu’n, huh?

Ito ang Totoo: ang dala-wang kenkoy na ito ay kapwa ipinangangalandakan na malakas daw sila kay PNoy.

Itong si Hashimoto ay walang pakundangang nag-punta noong nakaraang ling-go sa Admin Building ng SBMA at idineklara na siya na ang boss ng ahensiya batay sa appointment sa kanya ni PNoy noon pa raw Sept. 2011 o mahigit isang taon na ang nakalipas.

Hindi umubra si Hashimo-to kahit pa may mga kasa-mang aso dahil wala namang mailabas ang kumag na ap-pointment na pirmado ng Pangulo. Sabi nga natin sa nakaraang kolum, dapat pinosasan ang lekat dahil sa pagpapanggap at panana-botahe sa operasyon ng Subic Freeport.

Ito namang si Pornebo, ang lakas ng loob (kapal ng mukha) na magpa-diyaryo pa na siya ang hepe ng PASC na hindi natin malaman kung paano nabuo, kung binuo man ng Pangulo. Ayon sa loko, malapit na raw silang mag-operate sa 13 rehiyon ng Pilipinas.

Dapat paimbestigahan ni PNoy sina Hashimoto at Par-nebo dahil mukhang may raket ang mga loko. Sila kaya ang inirereklamo ng mga negos-yante na hinihingan umano ng pondo dahil malapit na raw silang umupo sa pwesto at  pagdating ng araw sila ay pro-tektado?

***

May isa namang Danny En-riquez, na ipinagyayabang din ang kanyang koneksiyon kay PNoy, na nag-a-apply na ma-ging head ng Intelligence & Investigation Office ng SBMA kahit matagal nang may nakaupo na kaapel-yido pa niya.

Si Danny Enriquez ay instrumento sa pagkaka-buwag ng Economic Intel-ligence & Investigation Bureau at hindi nagtagal sa binuwag ding PASG sa mga dahilang hihimayin natin sa ibang pagkakataon.

Kumikita ka naman, Mr. Danny Enriquez sa iba, pwede po ba ang Subic ay huwag na ninyong pakia-laman? Ito ang Totoo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply