Warning nina Pnoy at Purisima vs scalawags

_bong padua

SA mga gagong pulis, makabubuting umalis na sila sa serbisyo kung naiintindihan nila ang babala ni Gen. Allan Purisima at Pangulong Noynoy Aquino.

Maliwanag ang mensahe ni Purisima: Kung kayo (pulis) at gu-magawa pa ng kalokohan, makabu-buting lumayas na kayo sa PNP. Hindi naiba ang pahayag ng Pangulo dahil sa kanyang speech, sinabi nitong bilang na ang araw ng mga tiwaling pulis.

Kung isasantabi ng mga tinawag na police scalawag ang babala na ito ni Purisima at PNoy, pakiwari ko’y may kalalagyan sila. Panahon na para ‘once and for all’ ay matul-dukan na ang pamamayagpag ng sindikato ng kidnapping, carjacking, drug peddling, atbp.

Dahil sa totoo lang, may mga pulis, ilan sa mga ito’y opisyal pa, ay umaaktong protektor at bahagi na ng well-organized crime rings.  Wala sa kanilang bokabularyo ang magbago. Kaya kung kaya lang din ng liderato ni Gen. Purisima, may suhestiyon ang Chokepoint.

I-recruit si Lucifer. Matagal akong nag-cover sa Crame at may mga magagaling na pulis diyan  na siguradong getz ako. Sa ganitong paraan, tiyak tatahimik ang bansa ni Juan.

KASO VS SMUGGLERS NAGBUBUNGA NA

Nagbubunga na ang pagpapakahirap ng liderato ni Comm. Ruffy Biazon matapos manalo ang kasong isinampa sa trader na si Roel Paguit Sayson. Noong Dec. 12, 2012 ay nahatulan si Sayson sa paglabag sa Sec. 3601, in relation to Sec. 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines. Bagama’t ‘di pa si Biazon ang BOC head noong mabuking ang iligal na gawain ni Sayson, siya naman ang nagpur-sige para manalo ito.

Nabatid na noong February 7, 2008, 6 na Kia Sportage ang ipina-sok ni Sayson sa bansa pero minis-declare bilang used truck replace-ment parts. Ganitong epektos din ang idineklara ni Sayson sa pag-tatangka na  maipuslit ang tatlong Hyundai Galloper. Mahigit sa P1.7 milyong taxes and duties ang nai-bulsa ni Sayson sa pagpupuslit ng mga nasabing sasakyan.

Gayunman, malamang ay si-sing-sisi siya ngayon ‘pagkat ma-kukulong siya ng 8-12 taon bukod pa sa multa. Ayon kay Biazon, ang naging kapalaran ni Sayson ay tanda na seryoso ang  BOC sa kampanya laban sa mga ayaw lumakad nang tuwid sa Aduana, pati na sa mga mandurugas ng buwis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply