Weekly collection ni Col. Lee silipin ng bagong PNP

burdado- jun briones

MANUNUMPA na sa araw na ito kay Pangulong Noynoy Aquino ang ika-18 chief ng PNP sa katauhan ni Director Gen. Alan Purisima.

Batang edad pero matikas, ika nga, diskarteng “hybrid.” ‘Yan, parekoy, ang pagkakaalam natin dito sa bagong hepe ng ating kapulisan.

Kaya naman naniniwala tayo na magagawa niya ang mga reporma na ipinangakong ipatutupad sa buong organisasyon ng PNP.

Opkurs, parekoy, hindi natin inaasahang magagawa niya ang mga ito sa loob lamang ng ilang araw.

Dahil alam naman nating hindi siya si “Superman.”

Ang mahalaga ay determinado siyang gawin ang kanyang ipinangakong mga pagbabago lalo na sa moralidad o asal ng ating kapulisan.

Nakaamba rin, parekoy, ang malaking pagsubok sa kakayahan ni Gen. Purisima kung paano niya titiyaking malinis at mapayapa ang halalan sa 2013.

Dahil ayon sa ating pagkakaalam ay naglipana pa rin ang Private Armed Groups (PAGs) ng mga politiko sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa…na kung hindi magiging pursigido ang kapulisan ay tiyak na ma-raming dugo na naman ang dadanak sa halalan.

At siyempre ang kaliwa’t kanan o malawakang dayaan.!

Ang problema sa “peace and order” kaugnay sa  darating na election, maging ang iba’t ibang organisadong grupo o mga sindikato sa bansa, lahat nang ‘yan, parekoy, ay alam nating mabibigyang-solusyon kung desidido ang bagong pinuno ng PNP!

Maging ang pagiging patong ng mga opisyal ng PNP sa mga iligal na gawain, kung saan sila ay nagsisilbing protector, ay alam nating matutuldukan din ni Dir. Gen. Purisima.

Opps! Andami ko nang nalilitanya, parekoy, deretsahan nga tayo Gen. Purisima, sir. ‘Yan bang pangongolekta ni Lee sa mga iligalista sa Kamaynilaan ay kaya mong silipin, busisiin at ipatigil? Ha?

Mukha kasing nahihiya si NCRPO Chief Leonardo Espina na paimbestigahan ang gawain ni Col. Lee na nasa P3M na collection tuwing Biyernes gamit ang tanggapan ng Philippine National Police-NCR!

Dahil kung itong immoral na gawain ng isang PNP of-ficer sa NCR ay hindi kayang supilin, aba eh, paano tayo mangangako na lilinisin ang kapulisan sa buong bansa?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply