Welder tigok sa tarak ng katrabaho

knife-2

PATAY ang isang 50-anyos na welder matapos pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho na lango sa alak sa Tondo, Maynila, kagabi.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Villa, tubong Maninila, Camalig, Albay at welder sa construction site ng Romeo’s residence na matatagpuan sa 380 Morga St. Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala sa pangalang Renato Sarcella, nasa edad na 40-45 anyos at stay in sa nasabing construction site.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa ground floor ng construction site ng Romeo’s residence.

Nauna rito, nagtungo ang suspek at tatlo pa nilang kasamahan sa trabaho sa bahay ng kaibigan ng biktima upang makipag-inuman  sa may Asuncion St., sa Tondo.

Ayon naman kay Jayson Tadefa, helper, napadaan ito sa lugar at nakisalo sa inuman ng kanyang mga kasahaman nang bigla silang iwan ng suspek at hindi na ito bumalik pa.

Nang matapos ang inuman ay nagtungo na si Tadefa sa construction site kung saan nakita ang suspek sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali na duguan ang kaliwang kamay habang hawak sa kanang kamay ang ginamit na panaksak kay Villa.

“Wag kang magsasalita” ito umano ang banta ng suspek kay Tadefa bago tuluyang tumakas.

Naisugod pa ang biktima sa Mary Johnston Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply