Whistleblower sa jueteng, walang mailabas na ebidensya

INAMIN ng whistleblower ng jueteng sa Pangasinan wala siyang mailalabas na documentary evidence sa ibinunyag nilang pagtanggap ng payola sa jueteng ng tinaguriang “Three Kings” at Pangasinan Governor Amado Espino, Jr.

Ayon kay Bugallon Mayor Rodrigo Orduña, iligal ang jueteng kaya tinitiyak ng mga operator na walang maiiwang bakas o ebidensya laban sa kanila at sa mga taong nagbibigay sa kanila ng proteksyon.

Inamin rin ni Orduña na hindi nila nakakaharap ang tinaguriang “Three Kings” na ang tinutukoy umano ay sina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Interior and Local Government secretary Ronaldo Puno at isang dating opisyal ng Philippine National Police.

Si Barangay Captain Fernando “Boy Bata” Alimagno umano na kapwa niya whistleblower ang taga-abot ng payola sa mga collector na siyang nagde-deliver naman ng pera sa “Three Kings”.

Una nang ibinunyag ni Orduña na halos P1 bilyon ang kinita ni Espino sa jueteng sa nagdaang siyam na taon.

Kasama rin aniya sa payola ang ilang miyembro ng media.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Arroyo, dapat mayroong ebidensya ang mga alegasyon na puwedeng tumayo sa korte upang hindi magmukhang pantasya ang mga alegasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply