Zaldy Ampatuan naghain ng ‘not guilty plea’

NAGHAIN ng “not guilty plea” sa kasong 57 counts of murder si dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan sa isinagawang arraignment ngayong araw sa Quezon City Regional Trial Court Branch 112.

Sa ginawang pagbasa ng sakdal, mismong si Zaldy ang nagpahayag ng not guilty kaugnay  sa kasong kinasasangkutan ng iba pang miyembro ng pamilya Ampatuan.

Una nang iginiit ni Judge Jocelyn Solis Reyes, na walang basehan ang mga naging hirit ni Zaldy upang tanggalin ito sa listahan ng mga akusado sa malagim na pagpatay sa 58 katao kabilang na ang 32 mga mamamahayag.

Kabilang sa depensa noon ni Zaldy ay nang mangyari ang karumal-dumal na krimen noong November 23, 2009, ay nasa Metro Manila siya at bumisita pa sa Malacañang para sa isang aktibidad.

Nauna rito, ibinasura ng Supreme Court (SC) ang hiling ng dating ARMM governor na maalis sa listahan ng mga akusado sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply