Zero casualty kay ‘Pablo’ target ng gobyerno

benito-ramos

UMAASA si NDRRMC Executive Director Usec. Benito Ramos na magkakaroonn nang zero casualty sa panahon ng pananalasa ng bagyong Pablo sa bansa.

Ibinigay na halimbawa ni Ramos ang Davao Oriental na unang dinaanan at hinagupit ng bagyo Martes ng umaga subalit walang pang naitatalang casualty.

Ayon kay Ramos, kung kinaya ito ng Davao Oriental, kakayanin din ito ng iba pang mga lugar na dadaanan pa lang ng bagyo higit pa na may sapat pa silang oras sa paghahanda.

Giit ni Ramos na hindi mahirap abutin ang zero casualty target basta’t may tamang koordinasyon sa pagitan ng local na pamahalaan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at mga residente.

Kaya naman patuloy ang paalala ni Ramos sa mga apektadong residente na ipagpatuloy ang pagiging masunurin o huwag maging pasaway kapag mayroon nang babala o kautusan ang kanilang mga local na opisyal na magsilikas na sa kanilang mga tahanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply