Zone Chairman kritikal sa pamamaril

emergency-2

RIZAL – Kritikal ang isang sitio chairman matapos na tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalake habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kaninang madaling araw sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo city chief of Police P/Supt. Ericson Dilag ang biktima na si Pastor Menor @ Boy, 63 anyos, may asawa, residente ng Sitio Green Forest, Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawang salarin na mabilis namang tumakas dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:25 ng umaga sa NHA Avenue, Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Nabatid na galing sa kanyang puwesto sa wet market ng City Mall of Antipolo (CMA) ang biktima at papauwi na nang maganap ang pananambang.

Si Menor, ay kasalukuyang Zone leader sa Sitio Green Forest at kilalang political leader ni dating Antipolo City mayor Angelito Gatlabayan.

Ang biktima ay kaagad na naisugod sa Clinica Antipolo na matatagpuan sa Taktak road, Brgy. Dela Paz ng nasabi pa ring lungsod.

Dakong alas-8:00  naman ng umaga nang iturn over ni Sitio Silangan chairman Renato Radam ang 7 deformed na empty shells ng baril na kalibre .45 mula sa scene of the crime.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply