​Petisyon sa SC vs political dynasty dumami

supreme-court-of-the-philippines

ISA na namang petisyon kontra sa pamamayagpag ng mga political dynasty sa bansa ang inihain upang kumilos na ang Korte Suprema laban sa kontrobersyal na usapin.

Sa 20-pahinang petition for mandamus na inihain ni Ricardo Penson, hiniling nito na atasan ng Korte Suprema ang Kongreso na magpasa ng batas na magtatakda ng malinaw na kahulugan at magbabawal sa pamamayagpag ng political dynasties sa bansa.

Iyan ay alinsunod na rin umano sa Section 26 ng Konstitusyon na nagsasabing dapat tiyakin ng estado ang pantay na oportunidad sa paglilingkod sa publiko at ipagbawal ang political dynasty.

Naniniwala si Penson na isang paglabag sa right to procedural and substantive due process ang kabiguan ng isang institusyon na tuparin ang tungkulin nito sa loob ng mahabang panahon.

Ipinunto ni Penson na ang kabiguang iyon ay mareremedyuhan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hukuman ng writ of mandamus.

Bagamat may ilang mga panukala na umano kontra sa political dynasty na nakabinbin sa Kongreso, hindi pa rin iyon tuluyang makausad sa kabila ng mahigit 25 taon na mula nang umiral ang 1987 Constitution.

Kasabay nito, hiniling din ni Penson na maconsolidate ang kanyang petisyon sa mga nauna nang petisyon kontra sa political dynasty na inihain naman nina Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply