1-anyos na bata patay sa sampal ng nanay sa Cotabato

dead-child

PATAY ang 1-anyos na bata nang sampalin ng kanyang nanay at mabagok ang ulo nito sa sahig sa North Cotabato.

Nabatid na Biyernes ng gabi, nakahiga na ang suspek na itinago sa pangalang Alma at kanyang anak sa sahig nang ayaw tumigil sa pag-iyak ng bata.

Dahil sa nag-init na ang ulo ay sinampal ng suspek ang bata na nabagok naman ang ulo sa sahig, agad nitong ikinamatay.

Tangka pang itinago ng suspek ang krimen nang ilibing ang kanyang anak sa likod ng kanilang bahay.

Pero ilang araw pa ay nakonsensiya si Alma at ipinagtapat sa kanyang ka-live-in ang nagawa.

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply