1 batang lalaki patay, 6 kabahayan naabo sa Cebu fire

sunog

NATUSTA ng buhay ang isang batang lalaki habang anim naman na kabahayan ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog sa Cebu, nitong Lunes ng gabi (Enero 6).

Sa ikinasang clearing operation kaninang umaga, natagpuan ang sunog na bangkay ng biktimang si Mark Lester, 3-anyos, residente ng Barangay Bulacao, Talisay City sa mismong kuwarto nito.

Nakaligtas naman sa sunog ang kakambal nito na hindi nakuha ang pangalan matapos makalabas ng kanilang nasusunog na bahay.

Habang anim na kalapit na kabahayan ang nadamay sa ilang oras na sunog.

Sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas 9:30 nitong Lunes ng gabi sa kuwarto ng tiyahin ng kambal.

Ayon sa imbestigasyon ng Talisay Fire Station, bago ang sunog ay kasama ng biktima ang kanyang kakambal na naglalaro ng posporo sa kuwarto ng kanilang tiyahin na si Rosela.

Ayon pa sa ulat, wala sa loob ng kanyang kuwarto si Rosela nang maganap ang sunog.

Hinihinala namang may sinindihang bagay ang magkambal kaya mabilis na kumalat ang apoy sa kanilang bahay at dahil may mga thinner at ibang kagamitan sa paggawa ng mga religious items sa loob ng bahay ng biktima ay kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan .

Aabot naman sa P75,000 o mas higit pa ang halaga ng pinsala sa naturang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply