1 pang suspek sa pagpatay sa Maconacon mayor, sumuko

EKSAKTONG isang linggo matapos ang pag-ambush kay Maconacon, Isabela mayor Erlinda Domingo, ay isa pang suspek ang sumuko sa awtoridad.

Kinilala ang sumukong suspek na si Ryan Santiago, 51-anyos kay mismong Quezon City Police District (QCPD) director Senior Supt. Richard Albano nito lamang nakaraang Martes ng gabi.

Sinabi ni Albano, na nauna rito ay nakatanggap siya ng surrender feelers kay Santiago mula sa mediator nito upang linisin lamang ang kanyang pangalan matapos madawit sa pagpatay kay Domingo.

Gayunman, isinampa na ng QCPD kaninang umaga lamang (Enero 29) ang kasong murder at attempted murder sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) laban kay Santiago.

Ayon naman kay Senior Supt. Neri Ilagan, deputy director for operations, isinasailalim na nila sa interogasyon ang suspek kaugnay sa pagpatay kay Domingo at pagkakasugat naman ng kanyang bodyguard na si Bernard Plasos, sa naganap na pag-atake sa mismong parking area ng Park Villa Apartelle sa Examiner Street at Quezon Avenue noong gabi ng Enero 22.

Bukod pa rito ay wala ng iba pang detalyeng ibinigay si Ilagan.

Isa na lamang sa na suspek ang nananatiling nakalalaya pa at ito ay si alyas Khalid.

Nauna rito, kinasuhan na rin ng murder at attempted murder ang mga kasabwat ni Santiago na sina Christian Pajenado, Michael Domingo, Mary Grace Abduhadi at ang mister nito at sinasabing gunman na si Marsibal Indaman Abduhadi alias “Bagwis” sa pang-aambus kina Domingo at kay Plasos.

Samantala, sinabi ni Pajenado na tinorture siya ng mga police officer na itinanggi naman ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply