1 pang testigo ng DOJ sa Atimonan, lumutang

doj

ISA pang testigo ng Department of Justice (DOJ) sa insidente ng pamamaril sa Atimonan ang lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI).

Minabuti munang hindi pangalanan ang pangatlong testigo na ngayon ay isinailalim na sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ang nasabing testigo ay nagbigay ng  testimonya sa NBI dahil nasaksihan din nito ang pangyayari habang sakay ito ng truck.

Una nang lumutang ang dalawa pang kasamahan nito na sumama sa re-enactment ng NBI sa Atimonan.

Matatandaan na 13 katao ang namatay sa naganap na barilan sa isinagawang checkpoint sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply