1 patay, 1 nawawala sa bagyong ‘Auring’

bagyong-auring

NAG-IWAN ng isang patay at isa pang nawawala ang Bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD), namatay si Pedro Francisco, 35-anyos, residente ng Barangay Iraan sa bayan ng Rizal, Palawan matapos mabagsakan ng puno ng niyog.

Kaugnay nito, umabot naman sa kabuuang 791 pamilya o 1,405 katao ang inilikas bunga ng epekto ng Bagyong Auring.

Halos 100 pamilya naman ang inilikas sa basketball court sa bayan ng Quezon, Bukidnon dahil sa pagbaha habang 57 katao naman ang kinailangang ilikas sa Valencia City.

Batay sa ulat 10 barangay sa Asuncion, Davao del Norte ang nakaranas ng malaking tubig baha.

Samantala, anim na bahay sa mga bayan ng Roxas at Katipunan sa Palawan ang nawasak bunga ng malakas na pag-ihip ng hangin.

Sinabi ni OCD-MIMAROPA Regional Director Eugene Cabrera, isa pa ang napaulat ba  nawawala sa Bataraza, Palawan kung saan 60 pamilya ang ni-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) at Western Command dahil sa biglaang pagbaha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply