1 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van at truck

crime6

PATAY ang isang lalaki, samantala pito ang iniulat na nasugatan nang magsalpukan ang isang truck at van sa Maharlika Highway, Barangay Mayao Silangan, Lucena, Quezon.

Nabatid sa ulat, dakong 3:00 ng madaling araw, minamaneo ng isang lalaki na kinilalang si Danilo Jaballa ang Nissan at binabaybay ang Maharlika Highway galing ng Camarines Sur at patungong Maynila nang napansin ang isang signage.

Dahil may nakamarka na road construction kaya napahinto siya sa road signage, nagmani-obra at inukupa ang kabilang kalsada.

Dito na dumating ang rumaragasang truck at aksidenteng nag-head-on collission ang dalawang sasakyan.

Namatay noon din ang isang pasahero ng van na si Juanito Murandarte habang isinugod na sa Mt. Carmel Hospital ang iba pang mga sugatan.

Nasa kustodiya na ng Lucena Police ang truck driver na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide with  multiple physical injuries at damage to properties.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply