1 sa mga suspek na nanambang sa Isabela town mayor, kinilala na

NAHULI agad ang isa sa mga suspect na si Christian Flores Pahinado nang matiyempuhan sa inilatag na checkpoint ng Quezon City Police District (QCPD) sa Purok 20, Barangay Commonwealth, Q.C.

Nilaglag naman ni Pahinado sa ang kanyang dalawang kasamahan na isang lalaki at isang babae taga Barangay Culiat  na sadyang hindi pinangalanan alinsunod sa ikakasang pagtugis sa iba pang suspect. Narekober sa dalawang suspect ang ilang piraso ng baril at bala.

Hindi na nakadalo pa sa kasalan, ang mayor ng Isabela town nang pagbabarilin ito at ang kanyang driver/bodyguard ng mga armadong kalalakihan na ang tatlo ay agad naaresto ng pulisya sa Quezon City nitong Martes ng gabi (Enero 22).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Maconacon Mayor Erlinda Domingo.

Habang isinugod naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tama ng bala sa katawan ang driver/bodyguard ni Domingo na si Bernard Lazos.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang pagbaril kay Domingo dakong alas 8:30 nitong Martes ng gabi sa parking area na nasa ilalim ng Park Villa Apartelle sa kanto ng Quezon Avenue at Examiner Street.

Sinabi ni QCPD station 2 head P/SuptPedro Sanchez, bago ang pamamaril ay lumuwas sa Quezon City si Domingo para dumalo sa isang kasalanan ng kamaganak at pansamantalang tutuloy sa nasabing apartelle.

Pero pababa pa lamang ito ng kanyang kulay maroon na Mitsubishi Adventure van nang lapitan at pagbabarilin ng isa sa may apat na armadong kalalakihan. Kasama rin na binaril ang bodyguard nitong si Lazos.

Hinala naman ni Quezon City Police District head Senior Superintendent Richard Albano na politika ang motibo sa pagpatay kay Domingo.

Si Domingo ay miyembro ng National People’s Coalition at reelectionist sa nalalapit na May election.

Pinalitan ni Domingo na noon ay bise alkalde ang dating mayor ng Maconacon na si Francisco Talusis matapos itong pagbabarilin din noong 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply