10 diocese sa bansa walang obispo

oscar-cruz-3

IBINUNYAG ng isang Catholic archbishop na may 10 diocese sa bansa ang walang obispo sa ngayon.

Ayon kay dating CBCP president at retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, kabilang sa mga bakanteng diocese ay ang Imus, Gumaca, Dumaguete, Romblon, San Carlos, Zamboanga, Bontoc, Lagawe, Infanta at Caloocan.

Ito na aniya ang pinakamaraming bakanteng diocese na naitala sa bansa.

Naniniwala si Cruz na nahihirapan si Pope Benedict XVI na makapagtalaga ng bagong obispo sa bansa dahil may mga kuwalipikasyon itong hinahanap.

Hindi naman nababahala dito si Cruz dahil tiyak naman aniyang magtatalaga rin ng bagong obispo ang Vatican sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, nabatid na sa kasalukuyan ay mayroon nang 30 obispo sa bansa ang nagretiro na, kabilang na dito si Cruz.

Pinakahuling nadagdag sa naturang listahan ay sina Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, 72, at San Pablo Bishop Leo Drona, 71, na naghain ng resignasyon ng mas maaga sa itinatakdang retirement age na 75-anyos, at pinagbigyan naman ng Santo Papa.

Ang pagreretiro ng dalawa ay alinsunod sa Canon 401, par. 2 ng Code of Canon Law, na nagsasaad na ang isang diocesan bishop na hindi na kaya pang gampanan ang kanyang tungkulin dahil sa karamdaman o iba pang mabigat na rason ay maaaring maghain ng resignasyon o magbitiw sa puwesto.

Nabatid na ang Pilipinas ay mayroong 16 na archdiocese, 51 diocese, pitong apostolic vicariates, limang territorial prelatures, at isang military ordinariate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply