10 katao arestado sa iligal na paputok sa Maynila

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang 10 katao sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila laban sa ipinagbabawal na paputok, iniulat ngayon.

Sa naantalang ulat ng pulisya, sako-sakong iligal na paputok ang nakumpiska sa apat na suspek na nagkakahalaga ng P300,000.

Habang ang anim dito ay pawang mga ambulant vendors sa Divisoria na nagbebenta ng mga paputok na lagpas naman sa pinapayagan ng PNP.

Ang hakbang na ito ng pulisya ay upang mapababa ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok taon-taon.

Ayon sa DOH, bagamat tapos na ang pagsalubong ng Bagong Taon ay inaasahan pa ring may mangilanlan pa ring magpaputok mula sa mga natira nilang mga firecrackers kagabi na hindi nagamit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply