100 bahay naabo sa Laguna

TINATAYANG 200 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang maabo ang 100 kabahayan sa Biñan, Laguna, kagabi.

Bandang alas-9:00 ng gabi nang magsimula ang sunog na mabilis na kumalat dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay.

Naapula naman ito bandang alas-10:45 ng gabi na umabot sa ika-apat na alarma.

Itinuturong dahilan ng sunog ang paglalaro umano ng kandila ng mga bata sa isang bahay makaraang mawalan ng kuryente sa naturang lugar.

Kasalukuyan namang nasa evacuation centers at sa Nereo Joaquin National High School sa Biñan ang mga apektadong pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply