11 katao nalambat ng PDEA sa magkakasunod na operasyon

PDEA-2

ISANG drug den ang ipinasara habang 11 katao ang naaresto sa magkakasunod na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Luzon at Mindanao nitong Enero 23.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., kinilala ang mga nahuli sa shabu den sa Purok 3, Barangay Borabod, Daet, Camarines Norte na sina Francisco Ace Simeon, 34; Larry Nazareno, 52; Lamberto Inciong, 51; at Anthony Castilar, 37.

Ang mga nabanggit ay nahulihan ng anim na gramo ng shabu ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) at Daet Municipal Police Station, Camarines Norte Provincial Police Office, 5th Regional Criminal Investigation and Detection Group at Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team.

Nadakip naman sina Rodelmar Ocan, 28; at Marcelino Gallardo, 42 sa isang motel sa Purok 7, Brgy. 5, Camarines Norte, at nahulihan ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P90,000.

Nalaglag din sa kamay ng PDEA ang pangatlo sa listahan ng Order of Battle ng PDEA na sina Nursiya Musa, 37, No. 3 drug personality sa Basilan. Naaresto rin sina Abdulla Musa, 40, at Nirsan Musa, 21, pawang residente sa Sitio Bakkaw-Bakkaw, Barangay Port Holand, Maluso, Basilan. Nasamsam sa tatlo ang isang sachet ng shabu, isang caliber .25 pistol na puno ng bala, isang timbangan at halagang P300 na buy-bust money.

Nadakip ng PDEA RO2 si Leojencia Sabado, 43 ng Purok Sampaguita, Brgy Boni, Aritao, Nueva Vizcaya, sa buy-bust operation habang nagawa namang makatakas ng asawa nitong si Flaviano Sabado na nasa Order of Battle ng ahensya sa lugar.

Timbog naman sa PDEA RO8 ang isa pang tulak ng shabu na nasa Order of Battle na kinilalang si Anton Gregor Gabriola, alias Gigoy, 28 sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sto. Niño, Tanauan, Leyte. Nakuha kay Gabriola ang may pitong sachet ng shabu, P1000 marked money at isang kalibre .38 revolver

Nakapiit na ang mga nahuli sa kani-kanilang lugar at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply