123 Partylist kasama sa ililimbag na balota

brillantes

INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) na may 123 party-list groups ang makakasama sa ililimbag na balota para sa May 13 midterm elections.

Nabatid na kasama sa naturang bilang ang ilang grupo na una nang diniskuwalipika ng Comelec sa halalan ngunit malaunan ay nakakuha ng status quo ante order mula sa Korte Suprema.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., hindi na nila maaari pang hintayin ang magiging pinal na desisyon ng korte at maging ang desisyon nito sa iba pang nadiskwalipikang party-list groups na nagpasaklolo sa Kataas-taasang Hukuman dahil kakapusin sila ng oras.

Ang pag-iimprenta ng balota sa Pebrero 4 sa National Printing Office (NPO) ay nakatakda na sa Pebrero 4.

Inaasahang tatagal ang printing process sa loob ng 50 araw, dahil kaya naman umanong maglimbag ng mga printer ng halos isang milyong balota kada araw.

Sinabi ni Brillantes na ang bilang ng balota na kanilang ililimbag ay eksakto lamang sa opisyal na bilang ng registered voters na aabot sa 52,014,000.

Ang P780-million contract para sa supply at printing ng official ballots ay ini-award sa Holy Family Printing Corp. at partner nitong Canon Marketing Philippines.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply