13 napatay sa Quezon hindi ISAFP members

atimonan1

TAHASANG itinanggi ni M/Gen. Eduardo Ano, pinuno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines na may mga tauhan sila na nakasama sa mga napaslang sa naganap na sagupaan sa Barangay Lomotan, sa Atimonan, Quezon,

Ayon kay Ano, mga peke ang mga taong napatay na sinasabing kasapi ng ISAFP at sinisigurong peke ang mga ID na nakuha ng SOCO team sa crime scene.

Ayon pa kay Ano, ” wala, negative, walang ISAFP personnel dun, mga civilian yun na gumagamit ng pekeng ID.”

Kinilala ang mga ito na sina Leonardo Marasigan,  at isang Maximo Pelayo at wala rin umano silang tauhan na ganun ang pangalan.

“Ang alam ko totoong pangalan nila yun, yung ID nila peke yun kasi na nag-iisue ng ID yung ISAFP,” ani Ano.

Ayon naman kay SOLCOM spokesman Col. Generoso Bolina, “hindi kami makapaglabas ng mga statement dahil may  mga pangalan na hearsay hearsay lang, wala pang official report. Meron silang report na taga-Air Force, may AFP pero hindi natin ma-confirm kasi wala pa yung official report, mga hearing hearing lang, kasi baka mamaya yung pangalan na ano nila ID lang o ano, hindi pa namin ma-confirm…”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply