13th month pay ‘di ibinibigay

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG daang muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text message at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE,  iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD PM po. Nakuha ko number niyo sa internet. Nais ko po sanang humingi ng tulong. Hanggang ngayon po kasi ay ‘di ko pa nakukuha ang  sahod ko at 13th month ko sa agency ko.

Nagkasakit po ako kaya ‘di na po ako nakapag-duty. Nagbigay na po ako ng medical certificate sa agency. Ang problema po ay kailangan daw ng clearance sa huli kong outlet at ayaw na pong pirmahan ang clearance ko dahil AWOL na raw po ako kahit may medical certificate po ako.

Sana po ay matulungan niyo ako sa problema ko. Salamat po, Monalisa Ducay.

MAM, good morning po, lumapit po ulit kami sa inyo ukol sa aming problema sa ARDEES VENTURE na pag-aari po ni Ricardo Lugod.

At sa ikalawang pagkakataon ay hihingi po uli kami ng tulong sa Lily’s Files tungkol sa aming 13th month pay na wala pa talaga simula noong nakaraang taon.

Isa po akong arawan at kasama na rin po ‘yung mga pakyawan at sa trucking. Sana po ay mabigyan niyo po ulit ng espasyo para malathala sa inyong column ang aming problema.

Maraming salamat po.

GOOD DAY Lily’s Files. Ano po ba ang magagawa ko? Kasi ‘yung 13th month pay namin ay ‘di po ibinigay at ‘di rin po namin nagagamit ang aming mga benefit tulad ng SSS, Philhealth at PAGIBIG dahil hindi raw po updated ang hulog ng aming employer.

Isa po ako sa mahigit na 40 teacher ng Liceo Colleges of Asia rito sa Longos, Pulilan, Bulacan na pag-aari ni Frederick Emerson E. Castro na lalong kilala sa tawag na Eric Castro.

Malakas po siya sa DOLE ng Bulacan kaya kapag nagrereklamo ang mga teacher ay talo na agad dahil sa connection niya.

Maraming salamat po. Kung puwede po ay huwag niyong ilathala ang numero ng aking cellphone para hindi po ako mapag-initan.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 09087230036  o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply