14 na ang arestado sa election gun ban

army-reservist-basyo

TINATAYANG 14 katao na ang naaresto sa unang dalawang araw ng pagpapatupad ng election gun ban.

Base sa ulat, sinabi ng Philippine National Police spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na mayroon nang isang naiulat na patay kaugnay ng gun ban.

Ayon pa kay Cerbo, namaril ito sa mga pulis at sa kalaunan ay nabaril din at napatay sa Batangas. Hindi na siya nagbigay ng dagdag na impormasyon hinggil dito.

Nabatid na sa 14 nahuli, apat dito ay mula sa Metro Manila.

Umaabot naman sa 16 armas at isang granada ang nakumpiska ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply