14,453 nabigyan ng trabaho ni Recom sa taong 2012

recom-echiverri

UMABOT sa 14,453 residente ang nabigyan ng hanapbuhay ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga ginanap na mega job fair at pagbibigay ng assistance upang makakuha ang mga ito ng kanilang pagkakakitaan.

Sa bilang na ito, 7,415 ang lalaking nabigyan ng trabaho habang 7,038 naman ang babae sa mga ginanap na mega job fair at pagbibigay ng assistance ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) sa mga residenteng naghahanap ng trabaho.

Kabilang sa mga ginanap na mega job fair ay noong February 15 sa main city hall; February 22-north city hall; May 2-main city hall; May 9-north city hall; November 26-main city hall at November 28-north city hall.

Ayon kay Echiverri, simula nang mahalal itong alkalde ng lungsod noong 2004 ay agad nitong binigyan ng pansin ang pagbibigay ng magandang hanapbuhay at sapat na pagkakakitaan ang mga residente ng siyudad.

Aniya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na hanapbuhay sa mga residente ay mabilis na umangat ang kabuhayan ng mga ito na siya ring naging basehan upang umangat ang ekonomiya ng lungsod dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga namumuhunan sa Caloocan City.

Sinabi pa ng alkalde, kabilang sa mga trabahong naibigay ng kanyang administrasyon sa mga residente ay ang accountant, secretary, sales clerk, welder, waiter/waitress, cook, janitor/janitress, engineer, encoder, machine operator, service crew, kitchen staff, call center agent, graphic artist, promodizer, automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.

Simula rin ng administrasyon ni Echiverri ay umabot na sa 154,640 bakanteng posisyon na trabaho ang naialok nito sa mga residente ng lungsod dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE-CAMANAVA) at ng LIRO.

Nangako rin ang alkalde na magpapatuloy ang kanyang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residenteng nangangailangan ng trabaho nang sa gayon ay tuluyan nang mabawasan ang mahihirap na pamilya sa pinamamahalaan nitong lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply