15 kabahayan nilamon ng apoy

NAGHIHINAGPIS ngayon ang mahigit 20 pamilya makaraang masunog ang kanilang kabahayan sa gitna ng kasiyahan sa pagsalubong nila sa Bagong taon kahapon ng madaling araw.

Tinatayang hindi kukulangin sa P300,000 ang halaga ng mga ari-arian na nadamay sa sunog .

Batay sa isinumiteng ulat kay Fire Sr. Supt. Bobby Baruelo, Quezon City Fire Marshall, nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw sa Pag-ibig Street sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Mahigit sa 15 kabahayan ang minalas na masunog kung saan suspetsa ng ilang residente na bago nagkasunog anila sa kanilang lugar namataan nila ang may 10 sky lanterns na pababa ng mga oras na iyon sa kanilang lugar.

Tumagal din ng halos isang oras bago naapula ng mga tauhan ng BFP katuwang ang fire voluntreers ang sunog y pero wala namang nasaktan sa insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga arson investigators kung may kinalaman ang sinasabing sky lanterns sa nangyaring sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply