17-anyos senglot, putol ang kamay sa paputok

PUTOL ang kanang kamay ng 17-anyos na lalaki matapos makipagpasahan ng baby dynamite kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Ralp Diaz, ng J.Planas St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa kasagsagan ng pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon, eksaktong alas 12:00 kaninang madaling araw nang maputukan si Diaz ng baby dynamite.

Ayon kay Ernesto Buhay, tiyuhin ng biktima, inakala lamang nilang fountain ang sisindihan ng kanyang pamangkin na nooy lasing na.

Nauna rito, nagkakasiyahan aniya ang mga residente sa lugar at matapos mag-inuman ay  nagpasahan ng paputok ang kanyang pamangkin at ilang kaibigan nang aksidenteng kay Diaz pumutok ang baby dynamite.

Huli na nang magtalsikan ang bahagi ng kanang kamay at daliri ng biktima  kung saan nagulat pa ang ilang residente sa lugar nang magkalat ang dugo  at piraso ng daliri nito.

Agad namang  naisugod ang biktima sa Philippine Orthopedic Center na agad pinutulan ng kanang kamay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply