17 Chinese fugitives, ipatatapon na sa kanilang bansa

jail

INAAYOS na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ng 17 Chinese fugitives na naaresto noong nakaraang linggo.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David Jr. , ito ay matapos hilingin at makipag-ugnayan ang Chinese government sa Pilipinas .

Matatandaan na naaresto ang mga dayuhang Chinese sa magkasunod na pagsalakay sa ilang condo units sa Makati.

Kabilang sa mga naaresto ay kinilalang sina Cai Hong Ji, Mei Li, Huan Huan Yu, Si Meng Liu, Jiang Yang, Wenjie Yan, Ruicen Yuan, Zhi Ying He, Ning Zahang, Qian Shi, Liu Jan Wen, Chen Yan Ling, Peng Yuan Yuan, Ling Min Zhang, Zhou Xiao Yun, Chen Qing E, at Guo Yan sa kasong internet fraud at cybercrimes.

Pawang mga babae naman ang 15 sa kanila .

Sinabi pa ni David na nabigo rin ang mga dayuhan na maipakita ang kanilang travel documents at pasaporte.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Chinese embassy police attaché sa pamahalaan para sa agarang pagpapatalsik ng mga dayuhan pabalik sa kanilang bansa sa China.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply