175 katao patay sa sobrang lamig sa India

india-cold-weather

LOMOBO na sa 175 katao ang namamatay dahil sa sobrang lamig ng panahon sa northern India.

Nabatid na karamihan sa binawian ng buhay ay mga taong lansangan sa Uttar Pradesh, Punjab at Haryana.

Lalong lumamig sa lugar nang bumagsak ang temperatura sa zero degrees Celsius na sinasabing tatagal pa ng ilang araw.

Sa kabisera ng New Delhi, naitala ang pinakamababang temperatura simula noong 1969 na umaabot sa 9.8 degrees Celsius.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply