180 Filipino deportees, ‘di pinakain sa Malaysia

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng 180 na unang batch ng mga Filipino deportees para sa taong ito na galing sa bansang Malaysia.

Ayon sa sa Processing Center for Displaced Person (PCDP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 9, napag-alaman na isa sa mga deportees ang kaagad nilang dinala at pina-confine sa ward No. 9 ng Zamboanga City Medical Center (ZCMC) matapos madiskubre na may problema ito sa pag-iisip.

Marami rin umano sa mga deportees ay may sakit habang karamihan naman sa mga bata ay may lagnat dahil umano sa matinding gutom at kondisyon ng kanilang kulungan na kanilang naranasan matapos hulihin ng mga awtoridad ng Malaysia at bagi sila ibalik ng Pilipinas.

Kaagad namang nabigyan ng agarang lunas sa pamamagitan ng mga libreng gamot ang mga may sakit na deportees kasama na rito ang libreng pagkain, mga damit at iba pang mga mahahalagang gamit na kakailanganin nila habang nananatili sa center.

Sa ngayon, inihahanda naman ng DSWD para maibalik sa kani-kanilang mga syudad at probinsya ang mga deportees sa lalong madaling panahon. Wala namang komento ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs sa naturang insidente ng pagmamalabis ng Malaysia sa mga Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply