182 kaso ng dengue naitala sa NCR ngayong Enero

dengue

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sila ng 182 dengue cases sa National Capital Region (NCR) mula Enero 1 hanggang 19.

Batay sa ulat ng DOH-NCR na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo Janairo, wala namang iniulat na nasawi sa mga pasyente.

Mas mababa rin anila ang naturang kaso ng 82% kumpara sa 1,023 kaso ng dengue na naitala nila sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay limang buwang gulang hanggang 67-taong gulang at 49% ng mga apektado ay nasa 15-49 years age group.

Nabatid na ang majority ng mga biktima ay pawang mga lalaki na umabot sa 57% ng kabuuang kaso.

Ayon sa DOH, 58 o 32% ng kaso ay mula sa Pasay City (29 kaso) at Quezon City (29 kaso).

Nakapagtala rin naman ng mataas na kaso ng dengue ang Parañaque City (28 kaso) at Maynila (24), sumunod ang Marikina City (13), Pasig City (11) at Las Pinas City (10).

Lumilitaw naman na ang Pasay City ang may pinakamataas na attack rate o 0.77/10,000 population.

Kaugnay nito, patuloy na nagpapaalala ang DOH sa publiko na maging maingat upang hindi mabiktima ng naturang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply