1,937 ektaryang lupain sa Quezon, ipapamahagi na

DAR

TINATAYANG 1,937.91ektaryang lupaing agraryo ang nakatakdang ipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 952 farmers-beneficiaries sa lalawigan  ng Quezon sa darating na Pebrero 6,  2013.

Ang  pamamahagi sa mga naturang lupain ayon kay Undersecretary for Field Operations Jose Grageda ay base sa isinagawang multi-stakeholders dialogue on land rights and peace sa Bondoc Peninsula sa Queen Margaret Court sa Barangay Domoit, Lucena City sa naturang lalawigan.

“480 hectares of land from the Reyes property will be distributed to 267 farmers while the rest are from the properties of the Matias and Uy families. The lands to be distributed are located in the municipality of Mulanay,” ayon kay Grageda .

Ayon sa DAR ang munisipalidad ng Mulanay ay itinuturing na isa sa “agrarian hot spots” sa Bondoc Peninsula. At ang iba pang bayan ay kinabibilangan ng San Francisco, San Andres, San Narciso, at Buenavista na ang mga landowners ay nagkokontrol ng mga lupain.

Nabatid kay Grageda dalawa pang natitirang titulo ng Reyes property ay inaasahang maipamamahagi na rin sa mga darating na Marso ng taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Grageda na ang DAR ay patuloy sa pagsasagawa ng kanilang imbestigasyon sa natitira pang property ng pamilya Matias .

Dinaluhan ang diyalogo ng mga DAR officials, Bondoc Peninsula farmers, Southern Luzon Command (SolCom), Quezon Police Provincial Office, Commission on Human Rights (CHR), National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ng agrarian reform advocate Quezon Association for Rural Development and Democratic Services (QUARDDS).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply