1 pang akusado sa Aman Futures, sumuko sa NBI

NBI-2

SUMUKO sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kontrobersyal na multi-bilyong pisong pyramiding scam na Aman Futures Phils.Inc.

Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, NBI deputy director for regional operations services, si Dhurwin Wenceslao na isa sa mga pinakamataas ng opisyal ng nasabing organisasyon ay sumuko kay NBI  Environmental and Wildlife Protection Investigation Division head agent Sixto Comia.

Kasalukuyan namang nanatili sa NBI detencion cell si Wenceslao na nakahandang humarap sa kasong syndicate estafa na isinampa laban sa kanila ng mga investors.

Kinunan na rin si Wenceslao ng fingerprint at larawan.

Ayon kay Mendez,  9 na akusado na ng nasabing scam ang nasa kanilang kostudiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply