2 ahente ng NBI sangkot sa barilan sa loob ng ahensya

nbi2

LIGTAS na sa tiyak na kamatayan ang isang NBI agent matapos na barilin ng kanyang kabaro kagabi sa loob ng compound ng National Bureau of Investigation sa Taft Avenue sa Ermita, Maynila.

Ayon sa report, dalawang ahente ng NBI-NCR ang sangkot sa barilan.

Binaril umano ni Atty. Nestor Pascual ang kasamahan na si Joey Guillen na nagtamo ng tama ng bala sa bahagi ng kanyang kili-kili.

Agad namang isinugod sa Manila Doctors Hospital si Guillen.

Habang nakakulong naman ngayon sa NBI detencion cell si Atty.Pascual.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply