2 Akyat Bahay gang kumasa sa parak, tigbak

akyat-bahay

BUMULAGTA sa kalsada ang dalawang miyembro ng Akyat Bahay Gang nang kumasa sa pulisya sa Quezon City kaninang madaling araw (Enero 22).

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang napatay na kawatan na inilarawang 30-33 anyos, medium built at nakasuot ng maong pants at t-shirt.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 11, naganap ang insidente dakong 12: 30 nitong Lunes ng madaling araw sa gilid ng Mt Carmel Shrine chrurch sa Broadway St, Barangay New Manila.

Bago ito, nagkakasa ang mga tauhan ng  QCPD station 11 sa lugar ng visibility patrol sa lugar nang mapansin ang dalawang kalalakihan na may kargang mga gamit kaya sila sinita.

Imbes naman magpasita, pinapatukan sila ng isa sa mga suspect na humantong sa maikling barilan.

Masuwerte namang walang tinamaan na miyembro ng pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply