2 anak pinatay ni tatay, bago nagpakamatay

crime

HINIHINALANG sapilitang pinainom ng silver cleaner ang isang 16-anyos na estudyante ng kanyang sariling ama, habang pinagpapalo naman ng matigas na bagay sa ulo ang isa pang anak na lalaki, bago nagpakamatay ang isang ama sa kanilang tahanan  sa Sta. Cruz, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Jacinto de Guzman, vendor ng manok sa Trabaho Market sa Sampaloc at residente ng 2411 Leonor Rivera St., Sta.Cruz, katabi sa kama ang anak na dalagita na wala ring buhay, habang nasa lapag ng kama ang wala ring buhay na si Jeramil de Guzman, 17.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na mag-aama sa nasabing lugar.

Ayon kay Ginang Editha de Guzman, ina ng magkapatid, kapwa sila vendor ng manok sa Trabaho Market sa Sampaloc, at nagtataka aniya siya kung bakit ng araw na iyon ay hindi sumama sa kanya ang mister na nagdahilan na masakit ang tiyan.

Kaya ganoon na lamang ang gulat ni misis nang mabalitaang patay na ang kanyang asawa’t dalawang anak.

Nabatid naman sa isa pa nilang anak na lalaki na nasa edad 12, nagtulog-tulugan umano siya noon at dinig na dinig niya ang kanyang ate na nagmamakaawa sa kanilang ama.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply