2 Fil-Am, kulong sa $20M nakaw na paintings

behind-bars-2

PINATAWAN ng tig-$10 million na piyansa ng korte sa Amerika ang dalawang Filipino Americans na sangkot sa pagnanakaw ng multi-million dollar paintings noong nakaraang taon.

Una ng sinampahan ng Los Angeles prosecutors ang mga suspek na sina Wilmer Bolosan Cadiz at Jay Jeffrey Nieto ng kasong “conspiracy” kaugnay sa nangyaring pagnanakaw sa mga art works na pag-aari DoubleLine Capital chief executive officer Jeffrey Gundlach.

Naganap ang krimen nuong Setyembre 14, 2012 sa bahay ni Gundlach sa Sta. Monica, California habang nasa isang business trip ito at narekober ang mga ninakaw na artworks sa isang auto sound shop 17 araw matapos itong nakawin,dahil na rin sa milyong pabuya na inalok ni Gundlach.

Maliban sa dalawa, kinasuhan din ang mastermind ng grupo na si Darren Agee Merager, ina nito na si Brenda Joyce at mga kapatid na sina Wanis George at Ely George Wahba.

Kabilang sa mga sinasabing ninakaw na paintings ay gawa ng mga contemporary artists tulad ni Piet Mondrian na nagkakahalaga ng $10 million ang bawat isa.nanarekober . sa pangangalaga ni Cadiz ang apat sa mga nakaw na obra maestra.

Maliban sa mga paintings, ninakaw din umano ng grupo ang ilang mamahaling alahas, alak at 2010Porsche Carrera sports car ng negosyante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply