2 holdaper, patay sa engkuwentro

2 patay

PATAY ang dalawang hinihinalang holdaper matapos maka-engkuwentro ng pulis Maynila kagabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Supt. Ernesto Tendero, hepe ng Manila Police District Station 2, naganap ang insidente bago mag-alas-12 kagabi sa may Abad Santos St. sa nasabing lugar.

Nabatid na nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa lugar alinsunod na rin sa ipinatutupad na election gun ban ng Comelec nang mapadaan ang dalawang suspek na magka-angkas ng motorsiklo.

Nang pinahihinto ng pulis ang mga suspek ay hindi huminto at sa halip ay pinaharurot pa ang kanilang motorsiklo.

Makalagpas sa checkpoint ay saka nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad.

Narekober sa lugar ang .38 kalibre , 357 pistol at halagang P5,000 ng mga suspek.

Ayon kay Tendero, posible umanong mga holdaper ang dalawa dahil tila may tinatakbuhan ang mga ito.

“Kung wala kang kinakatatakutan, bakit ka tatakbo sa checkpoint,” ayon pa kay Tendero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply