2 holdaper todas sa engkuwentro sa Tanay, Rizal

crime5

NAPATAY ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Taytay, Rizal kaninang madaling araw.

Batay sa report ni Police Officer 3 Hector Gardinales, hinoldap ng dalawang lalaki ang dalawa ring biktima sa Sitio San Lorenzo, boundary ng Pasig at Rizal.

Kaagad isinumbong ng mga biktima sa pulis ang naganap na panghoholdap kaya’t mabilis ding rumesponde ang mga ito.

Sa imbestigasyon, pinara ng pulisya ang dalawang suspek ngunit sa halip na huminto ay bumunot pa ng baril ang mga ito kaya’t inunahan na sila ng mga pulis at nabaril ang mga suspek sa Tapayan Road.

Matapos ang palitan ng putok ang mga suspek ay isinugod sa pagamutan pero patay nang idating ang mga ito sa ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply