2 kelot arestado sa P500 shabu sa Caloocan

shabu

KULONG ang dalawang kelot matapos ang buy-bust operation sa Caloocan City sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na sina Marcelo Gajudo Jr., 38, ng Reparo St., at Joseph Racca, 55, ng Mariano Ponce St., kapwa ng Bagong Barrio ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagtutulak ng shabu ni Gajudo na naging dahilan upang manmanan.

Nang makumpirma ay agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa Reparo St., dakong alas-4 ng hapon.

Nang iabot ni Gajudo ang isang sachet na shabu sa pulis na nagpanggap na bibili kapalit ng P500 ay agad na dinamba ang una.

Pinigilan na rin ng mga pulis ang kasama ni Gajudo na si Racca at nang kapkapan ay nakuhanan pa ng isang sachet ang huli.

Nakuhanan din ng gamit na aluminum foil ang mga suspek na agad na dinala sa presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply