2 kompanya ng BIR chief, inimbestigahan ng BIR

kim-henares

DALAWA sa limang kompanya ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares na pawang gumagawa ng imported na relos ang surpresang inimbestigahan ng BIR matapos isailalim sa auditing ng katatatag na VATAG (Value Added Tax Audit Group) na mismong ang lumikha ay ang lady commissioner upang alamin kung ito’y nagbabayad ng tamang buwis.

Hindi naman ikinagulat ni Henares ang pag-iisyu ng Letter of Authority sa kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya sa Binondo, Manila at ipinaubaya na lamang umano sa VATAG na nagsisiyasat sa 1st 100 VAT taxpayers, isang pet-project ng International Monetary Fund at World Bank (IMF-WB), ang anumang kalalabasan ng naturang imbestigasyon.

Samantala, binatikos naman ng ilang key officials ng BIR ang tanggapan ng Office of the Ombudsman at Civil Service Commission sa kawalan ng aksiyon nito sa kuwestiyunableng posisyong hinahawakan ng dating chief of staff ni Commissioner Henares na gumaganap bilang Officer-In-Charge-assistant regional director sa BIR Quezon City regional office, OIC-revenue district officer at OIC-assistant revenue district officer sa Novaliches, QC.

Kumplikado, maselan, delikado at paglabag umano sa probisyon ng CSC at posibleng paglabag din sa graft and corruption ang magkakaiba at kumplikadong designasyon ni Atty. Jethro Sabariaga, dating chief of staff ni Henares, dahil sa paglagda nito sa magkakaibang papeles para sa magkakaibang posisyon dahil bukod sa pagiging OIC assistant regional director, OIC RDO, OIC ARDO at gumaganap din bilang technical assistant sa office of the commissioner, ay dapat bigyang linaw ng CSC at maging ng Ombudsman kung may nilalabag na ito sa mga regulasyon.

Kinukuwestiyon nila ang pagkakatalaga ni Henares kay Sabariaga sa napakaraming posisyon gayung marami namang mas higit na may alam sa tungkuling dapat nitong gampanan at kung bakit kailangang ipagkatiwala lamang ito sa iisang tao.

“Wala na bang magaling at mahusay sa BIR kundi si Sabariaga,” bulalas ng isang revenue official.

Tinawag nilang ‘Supe Boy’ sa BIR si Sabariaga dahil sa umano’y sobrang lakas nito kay Henares gayung marami naman ang kuwalipikado para sa nasabing posisyon. Diumano, mula sa pagiging chief of staff ni Henares, tumalon ng halos limang ranggo sa pagkuha ng posisyon si Sabariaga na bigla na lamang naging ‘instant assistant regional director, RDO-ARDO officers-in-charge at technical assistant.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply