2 lalaki huli sa pagtangay sa motorsiklo

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos harangin at tangayin ang motorsiklo sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Enero 25.

Nakilala ang mga suspek na sina Roy Serrano, 44 Lerma st., at Ronald Plaza, 33 Isla San Juan st., kapwa ng Maypajo ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, dala ni Jeffrey Sagun ang Yamaha Mio na wala pang plaka at pagsapit sa Pasig st., Maypajo ng lungsod ay hinarang ng mga suspek.

Tinutukan ng patalim ni Plaza si Sagun bago pinababa sa motorsiklo at mabilis na sinakyan ng mga suspek at pinaharurot papatakas.

Humabol si Sagun na nakita ng mga nagrorondang mga barangay tanod na naging dahilan upang harangin at madakip ang mga suspek.

Nakuha kay Plaza ang patalim na naging dahilan upang bukod sa kasong carnapping ay madagdagan ng kasong illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code ang una.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply