2 LPA sa loob ng bansa binabantayan ng PAGASA

MINOMONITOR ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure area (LPA) o sama ng panahon na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR)

Ang unang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 490 kilometro sa timog silangan ng General Santos City at ang ikalawa ay nasa layong 1,090 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Dahil sa dalawang LPA, posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Bohol, Leyte at Mindanao.

Samantala, tail end of a cold front naman ang umiiral sa hilagang Luzon. Ayon sa PAGASA, mas makaaapekto sa bansa ang LPA sa GenSan.

Magdudulot aniya ito ng maulap na kalangitan na may dalang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bohol, Leyte at buong rehiyon ng Mindanao.

Inaabisuhan na ang mga apektadong residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply