2 motor nagsalpukan sa Pangasinan, 1 patay

crime3

PATAY ang isa habang dalawa ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Asingan, Pangasinan.

Agad na nasawi ang biktimang si Sammy Torio na nabagok ang ulo habang sugatan naman ang kanyang dalawang back-rider na sina Elmer Mendoza at Arnel Mones.

Sa ulat, mabilis ang takbo ni Torio kung kaya sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Larry De Vena, residente sa bayan ng San Quintin.

Bumangga pa ang biktima sa kongkretong poste ng tulay sa Brgy. Poblacion East, Asingan dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Kaagad na isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit hindi pinalad si Torio.

Base sa imbestigasyon, lasing ang tatlong magkakaibigan nang maganap ang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply