2 motor rider sa Ilocos Sur todas sa bus

crime6

DALAWA ang namatay makaraang salpukin ng bus ang motorsiklo sa National highway sa Brgy. Libtong, Tagudin, Ilocos Sur kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Marlon Lorenzana, 23, driver ng motorsiklo at ang kanyang angkas na si Oliver Partible, 17, kapwa taga-Brgy. Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur,  agad nasawi makaraang salpukin ang kanilang sinasakyan ng rumaragasang Partas bus sa northbound.

Ayon sa mga imbestigador, ang mga biktima na nakasakay sa motorsiklo ay hinihinalang galing sa inuman.

Wasak na wasak ang motorsiklo na tumilapon pa sa may layong 132 feet mula sa pinagsalpukan.

Nasa kustodiya na ng Tagudin police ang bus driver na si Cresencio Duque, 49, ng Bucay, Abra para sa karagdagang imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply