2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Quezon City

crime

DALAWA ang  patay habang isa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin sa Commonwealth Market, Quezon City kagabi, Enero 6, 2013.

Kinilala  ang biktima na  sina Rolando Talento, 49, Barangay Deputy  for  Sports  ng Commonwealth Wet Market at residente ng ng 852 Katuparan Ext. QC  at Joel Tabor, 27, ng Riverside St., Brgy. Commonwealth.

Sina Talento at Tabor  ay kapwa  idineklarang dead  on arrival sa  Malvar hospital at East Avenue Medical Center.

Sugatan naman si Arnel Celestino, 45, ng Brgy. Enviromental personnel  ng Casoy St., Brgy.  Commonwealth, na kasalukuyang inoobserbahan sa New Era hospital.

Ayon kay SPO1 Elden Lasam ng Quezon City Police District  station 6 Batasan, naganap ang insidente  dakong 7:45 kagabi sa  parking area ng Commonwealth Market.

Ani Lasam, kasalukuyang nagkukuwentuhan ang mga  biktima sa naturang lugar  nang biglang dumating ang dalawang lalaki na armado  ng baril  at  pinagbabaril ang  mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply