2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng van at motorsiklo sa Isabela

NAMATAY ang dalawa katao samantala apat ang sugatan makaraang sumalpok ang isang motorsiklo sa isang pampasaherong van sa boundary ng barangay Antonino at San Fernando, Alicia, Isabela.

Batay sa report ng pulisya, namatay noon din ang dalawang menor de edad na sakay ng motorsiklo na kinilalang sina Bonifacio Dalit, 17, at Kenneth Goton, 14, kapwa residente ng Barangay Burgos, Alicia.

Samantala, kinilala naman ang mga sugatang pasahero ng van na sina Harry Dela Cruz, 34, tsuper ng van, residente ng Barangay Villasis, mga pasaherong sina Gilva Marites, 29, residente ng Antonino, Alicia, Ernesto Manaligod, 31, residente ng Barangay Santa Cruz, Alicia at Rodel Dionisio, 30, residente ng Barangay Villasis ng lungsod ng Santiago.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng pampasaherong van ang direksyon patungong lungsod ng Santiago habang nasa kabilang lane naman ang motorsiklo na walang ilaw.

Sinasabing mabilis ang takbo ng motorsiklo at iniwasan ito ng van na nagresulta ng pagbaligtad hanggang sa bugsak sa sapa na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang teenager.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply