Kotseng sumalpok sa trak, nagliyab 2 patay

(UPDATE) Dalawa ang patay habang dalawa pa ang nasugatan nang magliyab ang isang kotse matapos sumalpok sa trak sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) sa Malvar, Batangas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga biktima na sina Dennis Baril at Riingdon Mulingtapang.

Isinugod naman sa Damian Mercado Hospital sina Resty Hontiveros at Dexter Pagcaligawan, na kapwa nagtamo ng kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakaditine na sa Malvar police station ang drayber ng trak na si Angelito Cabadu at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide at two counts ng serious physical injuries.

Ayon sa NDRRMC, bago ang insidente ay nasiraan ang trailer truck na minamaneho ni Cabadu sa may northbound lane ng highway’s kilometer 70 kaya ipinarada ito sa may center island.

Pero ayon sa NDRRMC, maya-maya lamang ay biglang sumalpok ang isang Mitsubishi Lancer na marahil dahil sa may kadiliman ang lugar ay hindi napansin ng drayber ng kotse ang trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply