2 patay sa pamamaril sa Makati

PATULOY na nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Makati City Police kaugnay sa pagkakapatay sa dalawang motor riders na pinagbabaril kaninang madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ni PO2 Lizardo Villaranda ng Makati City Police-Criminal Investigation and Detection Unit ang mga biktima na sina Melvin Paredes, 33-anyos, at Mico Presto, 28-anyos, na bumulagta matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Aguinaldo street, Barangay Rizal, Makati City.

Batay sa pagsisiyasat at pagbusisi sa mga text message sa cellphone ng mga biktima, makikipagkita umano ang mga ito isang kaibigan para isangla ang motorsiklo. Ang insidente ay naganap dakong 4:00 ng madaling araw.

Kinumpirma ng live-in partner ni Toredes na si Marife na isang alyas ‘Revo’ ang kakatagpuin ng mga ito.

Dahil dito, inaalam ng awtoridad kung paano nalaman ng mga suspek ang kinaroroonan ng mga biktima at sumulpot sa naturang lugar at bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek.

Nakuha ng mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan ang ilang basyo ng
bala sa baril na ginamit ng mga suspek.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaslang sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply