2 kelot pinagbabaril sa inuman sa QC, kritikal

crime10

KRITIKAL ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng pitong armadong lalaki kaninang madaling-araw sa Quezon City..

Ang mga biktima ay nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital bunga ng tama ng bala sa katawan na kinilalang sina Arnel Laze, 29 at Ildefonso Ignacio, 36, pawang residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Benjie Butac, ang insidente ay naganap kaninang alas 3:00 ng madaling araw sa kanto ng IBP Road at Omega Street sa Barangay Commonwealth, Quezon City habang nasa kasarapan ng inuman ang dalawang biktima.

Dumating ang pitong suspek na may dalang mga baril at walang habas na pinaputukan ang dalawa bago naglakad palayo.

Sa ulat, tama sa tuhod at ari ang napala ni Laze, habang dalawang tama sa likod at kamay ang sugat  ni Ignacio mula sa kalibre . 45 pistola.

Lumalabas sa imbestigasyon na may kaugnayan sa  gang war ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply